Tinawag ng Malacañang na “devil specialist” si Senador Antonio Trillanes IV matapos nitong sabihin na ang Diyos ni Pangulong Rodrigo Duterte ay may “sungay.”
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tila halos lahat na ng mga hindi tamang bagay at nakasasama sa gobyerno partikular kay Pangulong Duterte ay alam ni Trillanes.
Hindi aniya mabatid kung ano ang mga iniisip ng senador na walang ibang ginawa kundi paratangan ng masama ang Pangulo.
Samantala, umaasa naman ang Palasyo na magkakaroon na ng paghilom sa pagitan ng gobyerno at Simbahang Katolika sa oras na magsimula ang dayalogo ng dalawang panig.
—-