Hindi tatakbo sa pagkapangulo si Senador Christopher ‘Bong’ Go sa paparating na eleksyon sa 2022.
Ito ang naging paglilinaw ni Senador Go matapos siyang ipakilala ng punong ehekutibo noong a-singko ng Marso bilang “President Bong.”
Ayon kay Senador Go, napakaaga pa para pag-usapan ang pulitika.
Paliwanag nito, sa ngayon ay nakatutok siya sa pagtugon sa mga kailangan ng sambayanan kasabay ng patuloy na paghagupit ng COVID-19 pandemic.
Sa huli, bagamat hindi interesado si Senador Go sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon, nagpapasalamat aniya ito sa Pangulo dahil sa patuloy na tiwalang ipinagkakaloob sa kanya.