Nahalal bilang Chairperson ng Justice and Human Rights Committee si Senador Francis Tolentino, kasama si Senador Sonny Angara bilang Vice Chairperson.
Mababatid na bunsod nito ay halos lahat ng komite sa senado ay napunuan na ng chairperson maliban sa Senate Committees on Basic Education, Arts, and Culture; Ethics; Labor Employment and Human Resource Development at Science and Technology.
Samantala, napili namang miyembro ng komite ay sina Senador Robin Padilla, Ronald Dela Rosa, JV Ejercito, Mark Villar, Bong Go, Francis Escudero, at Risa Hontiveros.