Hinamon ni Senador Christopher ‘Bong’ Go sina Health Secretary Francisco Duque III at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na maunang magpaturok ng bakuna kontra COVID-19.
Ani Go, sa paraang ito, mapatutunayan sa taong bayan na ligtas ang bibilhing bakuna ng bansa.
Paliwanag ni go, may agam-agam pa kasi ang iba hinggil sa kaligtasan at bisa ng bakuna.
Oras naman na matiyak na ito’y ligtas, pinaalala ni Go na dapat i-prayoridad ang sektor na itinuturing na ‘vulnerable’ o ‘yung mga mabilis dapuan ng virus.
Ito’y gaya ng mga mahihirap, nakatatanda, pati na rin ang mga frontline workers na aniya’y nangunguna sa labang ito.
Iginiit pa ni go, na nakahanda na ang national vaccine roadmap para matiyak na magiging maayos ang sistema oras na ipamahagi ang bakuna.
Inaasahan naman na sa 1st quarter ng susunod na taon ay darating na ang mga bakunang binili ng pilipinas sa iba’t-ibang bansa.