Nangunguna pa rin si Senador Grace Poe sa napipisil ng mas nakararaming Pilipino bilang Pangulo kung ngayon ang eleksyon.
Batay ito sa resulta ng Boses ni Juan 2016 ng DWIZ na ngayon ay nasa ika-apat na linggo na.
Pumapangalawa pa rin kay Poe si Vice President Jejomar Binay at pangatlo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Mula sa double digit na porsyento ng mga boto nina Poe, Binay at Duterte, nasa malayong one digit percentage na ang nasa ika-apat na puwesto na si Senador Bongbong Marcos, pang-lima si Senador Miriam Santiago, pang-anim si Secretary Mar Roxas at pang-pito si dating Senador Ping Lacson.
Samantala, nasa malayong mahigit na 40 percent na boto ang nakuha ni Poe bilang Vice President.
Sinundan ito ni Senador Chiz Escudero na mayroon lamang mahigit sa 10 porsyentong boto, pangatlo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may mahigit 9 na porsyentong boto at Roxas na may mahigit lamang sa 5 porsyentong boto kasama si Marcos.
Ang mga lumutang namang pangalan para sa pagka-senador ay mga datihan pa rin tulad nina Senador Miriam Santiago, Escudero, Senador Allan Peter Cayetano, Lacson, Senador Antonio Trillanes, Senador Koko Pimentel, Senador Bongbong Marcos, dating Senador Dick Gordon, Senador Franklin Drilon, Senador Pia Cayetano, Senador Vicente Sotto, Senador Grace Poe at Senador Ralph Recto.
By Len Aguirre