Nangunguna pa rin si Senador Grace Poe sa presidential candidate base sa pinakabagong Pulse Asia survey na kinomisyon ng ABS-CBN.
Sa August 27 hanggang September 3 survey, 27 porsyento ng 1,000 respondents ang nagsabing iboboto nila si Poe kung isasagawa ang eleksyon sa nasabing panahon.
Kumpara ito sa 30 porsyento na nakuha ng Senador sa resulta ng Pulse Asia survey noong Hunyo.
Pumangalawa si Vice President Jejomar Binay na mayroong 21 percent; Liberal Party standard-bearer Mar Roxas na may 18 percent habang bumaba sa ika-apat na pwesto si Davao City Mayor Rodrigo Duterte subalit napanatili ang 15 percent na puntos.
Nabanggit din sa survey sina Senator Bongbong Marcos, Manila Mayor Joseph Estrada na kapwa nakakuha ng 5 percent, Senator Miriam Santiago, 4 percent, Senator Alan Peter Cayetano, 1 percent at dating Senador Panfilo Lacson.
Nanguna rin si Poe sa Vice Presidential poll ng Pulse Asia na nakakuha ng 26 percent, subalit halos statistically tie sa kanyang running mate na si Senador Chiz Escudero na may 25 percent.
By Drew Nacino