Nanguna si Senador Grace Poe sa pinakabagong presidential preference survey ng Pulse Asia.
Base sa survey na isinagawa ng Pulse Asia mula October 18 hanggang 29 sa may 3,400 respondents, si Poe ay nakakuha ng 39 percent.
Sinundan ito ni Vice President Jejomar Binay na may 24 percent, pangatlo ang standard bearer ng Liberal Party na si Mar Roxas na nakasungkit ng 21 percent.
Habang 11 percent naman ang kay Senadora Miriam Defensor-Santiago.
Ang naturang survey ay kinumisyon ng isang pribadong grupo.
Nagbigay naman ng pananaw ang kilalang political analyst na si Professor Antonio Contreras sa naturang usapin.
“Malinaw naman na talagang frontrunner pa din siya pero hindi pa nafa-factor dito yung effect ng mga isinampa naming mga petisyon dahil ang nandun pa lang na petisyon nung time na yun ay kay Rizalito David pero yung tungkol doon sa pagka-Presidente niya, wala pa” Pahayag ni Contreras.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita