Hiniling ni Senator Francis Tolentino, sa Department Of Health na isaalang-alang ang pagpayag sa mga dayuhang doktor na magpraktis sa Pilipinas para sa limitadong panahon.
Ito ay para magkaroon ng palitan ng ideya sa pagitan ng mga dayuhan at lokal na practitioner at hindi para makipagkumpitensya.
Ayon kay Sen. Tolentino, ang kasalukuyang protective policy sa Pilipinas ay pumipigil sa mga dayuhang doktor na pansamantalang magpraktis dito.
Nabatid na sinabi ng bagong hinirang na health secretary na si Teodoro Herbosa kay Sen. Tolentino na makikipag-usap siya sa Professional Regulations Commission sa posibilidad ng pagluwag sa kasalukuyang alituntunin sa paglilisensya upang payagan ang mga dayuhang doktor na pansamantalang magpraktis ng kanilang propesyon sa Pilipinas.
Nabatid na ang PRC, sa ilalim ng Republic Act No. 8981, ay may kapangyarihang pangasiwaan ang mga dayuhang mamamayan na pinahintulutan ng mga umiiral na batas na magsagawa ng kanilang mga propesyon alinman bilang mga may hawak ng sertipiko ng pagpaparehistro at isang propesyonal na kard ng pagkakakilanlan o isang pansamantalang espesyal na permit sa Pilipinas.