Hindi pabor si Senador Francis Kiko Pangilinan sa pagkakatalaga ni Police Senior Superintendent Albert Ignatius Ferro bilang bagong pinuno ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group o PNP-DEG.
Ayon kay Pangilinan maaaring maging dahilan ito nang muling paglakas ng loob ng ibang mga pulis na umabuso sa kanilang kapangyarihan.
Naniniwala ang senador na marami pang ibang opisyal ng PNP ang walang bahid ng dumi ang pangalan at mas karapat dapat na mamuno sa DEG.
Dating pinamunuan ni Ferro ang PNP Anti-Illegal Drugs Group na binuwag matapos masangkot ang ilang tauhan na umano’y nasa likod ng pagdukot at pagpatay sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.
New PNP-DEG Chief
Itatalagang bagong pinuno ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group si Police Senior Superintendent Albert Ignatius Ferro na dating commander ng binuwag na PNP Anti-Illegal Drugs Group.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos tatanggalin na si Ferro bilang Deputy Chief ng Firearms and Explosives Office upang matutukan nito ang DEG.
Nakatakdang magsimula ngayong araw si Ferro sa bago nitong posisyon.
—-