‘Hindi tayo robot para sumunod lang’
Ito ang iginiit ni Senador Koko Pimentel kasunod ng mga insidente na red-tagging sa mga aktibista.
Ano ba dapat lahat ng tao parang robot na lang? Kung saan ka pinanganak doon ka na lang? Para kang robot tanggapin mo na lang ang sitwasyon. Hindi ganoon, we are constantly looking for improvement…Legal naman lahat yan e…part ng democracy yan.” wika Senador Koko Pimentel
Giit ng Senador magkaiba ang mga aktibista at komunista at may mahalagang papel na ginagampanan ang mga ito para sa pag-unlad at pagbabago ng ilang polisiya ng gobyerno.
Number 1 kapag ba nagsalita ang empleyado mo , gusto nila makiaalam sa polisiya ng gobyerno, sa pagpapatakbo ng gobyerno that makes them communist? Ganoon na ba kababaw ngayon ang label ng komunista just because ikaw ay aktibista? Nawawala yung essence ng democracy.Ang essence ng democracy ay ang uninvolve citizen, kababayan mo, yung mga constituents ng demokrasya, nakikialam,talagang dapat ganon, sa polisiya ng gobyerno” ani Senador Koko Pimentel.
Ayon kay Pimentel,plano nitong itanong sa mga opisyal ng pamahalaan na nag-red tag sa ilang aktibista sa isasagawang susunod na pagdinig kung alam ba ng mga ito ang tunay na kahulugan ng aktibista at komunista.
Sa hearing dapat tanungin sila ano ang ibig sabihin non (Aktibista,komunista) just becauseaktibisita sa tingin niyo komunista na? edi kayo mismo anti-democratic protest kayo. Kasi ngakailangan ang activisim sa demokrasya, kasi hindi magbabago marami tayong status quo.Kung ano ang economic situation ganito na lang, yung nasa poorest of the poor hanggang poorestof the poor na lang kayo hindi na kayo aakyat″, pahayag ni Senador Koko Pimentel sa Usapang Senado.
Dagdag nito, kailangan ang aktibismo para sa pagbabago ng ilang mga polisiya na pamahalaan.
Kailangan ng activism para may pagbabago ng polisiya, hindi equalized ang opportunity lahat may pagkakataong umasenso ang buhay. That is the essence of democracy. Titignan natin ngayon ang pag-iisip ng mga leaders ng intelligence community bang polisiya nasa isip nila,″ pahayag ni Senador Koko Pimentel sa Usapang Senado.
Matatandaang, ilang sikat na artista,pulitiko at aktibista na ang na-red tag at inakusahang miyembro ng komunistang grupo.—sa panulat ni Agustina Nolasco