Nagpiyansa si Senador Lito Lapid sa kasong graft na isinampa laban sa kanya ng Office of the Ombudsman may kaugnayan sa P4.2 million fertilizer fund scam.
Tatlumpung libong piso (P30,000) ang inilagak na piyansa ni Lapid sa Sandiganbayan kaninang umaga dahil sa paglabag sa Sections 3 (E) at 3 (G) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinasabing overpriced umano ang mga fertilizer na binili ni Lapid para sa Pampanga noong siya ay gobernador pa ng lalawigan.
Maliban kay Lapid, akusado rin sa nasabing kaso ang provincial accountant na si Benjamin Yuzon, Provincial Treasurer na si Vergel Yabut, Incorporator ng Malayan Pacific Trading Corp. na si Ma. Victoria Abubakar at Leolota Aquino at Proprietor ng DA Vasquez Macro – Micro Fertilizer Resources (DAVMMFR) na si Dexter Alexander Vasquez.
By Meann Tanbio