Itinanggi ni 8-Division World Champion at Senador Manny Pacquiao na sasabak na muli ito sa boksing matapos magretiro nitong Abril.
Ayon kay Pacquiao, walang katotohanan ang balitang liliban siya sa kanyang mga tungkulin sa senado upang muling lumaban sa ibabaw ng ring.
Sa katunayan, nilinaw nito na wala naman aniyang napag-uusapan na laban taliwas sa sinasabi ni Top Rank CEO Bob Arum na nakatakda nang lumaban si Pacquiao sa darating na Oktubre.
Binigyang diin ng Pambansang Kamao na nananatiling prayoridad niya sa ngayon ay ang kanyang tungkulin bilang isang senador.
Sa huli, tiniyak ni Pacquiao na kung muli man siyang lalaban ay titiyakin niyang hindi ito makasasagabal sa kanyang trabaho sa senado.
By Ralph Obina