Isa si Senador Bongbong Marcos sa napipisil maging running mate ni Vice President Jejomar Binay sa 2016 elections.
Ayon kay Binay, mas isasa-alang niya ang kakayahan at karanasan ni Senador Marcos kaysa sa nakaraan.
Dapat na aniyang kalimutan ang nakaraan at mas mabuting magka-isa na lamang para isulong ang kapakanan ng bansa.
Sakaling magtagumpay na maging Presidente, sinabi ni Binay na nais nyang makilala ang kanyang pamunuan bilang unifying administration.
By Len Aguirre