Nanawagan si Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Senior Associate Justice Antonio Carpio na tanggapin ang kanyang napipintong nominasyon ng Judicial and Bar Council o JBC bilang susunod na Punong Mahistrado.
Ayon kay Drilon, hindi na ‘applicable’ ang paliwanag ni Carpio nang tanggihan niya ang nauna niyang nominasyon.
Si Carpio ay kabilang sa limang senior justices ng mataas na hukuman na awtomatikong nominado bilang susunod na Chief Justice kapalit ni Teresita Leonardo-De Castro na magreretiro sa Oktubre.
Magugunitang idinahilan ni Carpio na ayaw niyang makinabang sa nangyaring pagpapatalsik sa puwesto kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno kaya tinanggihan niya ang naturang nominasyon.
—-