Inanunsyo na ni Senate President Franklin Drilon na kanilang susuportahan para maging susunod na Senate President si Senator Koko Pimentel ng PDP-Laban.
Sinabi ni Drilon na ito ay upang maipakita ang kanilang suporta sa legislative agenda ni President-elect Rodrigo Duterte.
Samantala, sinabi naman ni Senator Tito Sotto na mayroon pa silang ilang aspeto na dapat ayusin at nakahanda pa din siyang muling magsilbi bilang majority leader.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)