Malabo nang tumakbo sa 2016 Presidential elections si Senador Ramon Bong Revilla, Jr.
Ito ayon kay Revilla ay dahil kailangan muna niyang linisin ang kaniyang pangalan sa mga kasong kinakaharap sa Sandiganbayan kaugnay sa PDAF scam.
Sinabi ni Revilla na bagamat nais niyang tumakbo sa darating na eleksyon, mas mahalagang malinis ang kaniyang pangalan at maibalik ang tiwala sa kaniya ng taumbayan dulot ng kontrobersya sa PDAF.
By Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)