Mag-ingat at maghanda na.
Ito ang babala ni Vice President Jejomar Binay kay Senadora Grace Poe.
Paliwanag ni Binay, ito’y dahil si Poe aniya ang tatargetin ngayon ng mga kaalyado ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas para hindi matuloy ang posibleng pagtakbo ng senadora sa pagka-Pangulo sa 2016 elections.
Naniniwala si Binay na mismong ang kampo ni Roxas ang gagawa ng paraan para sirain si Poe sa publiko upang hindi maudlot muli ang pangarap ni Roxas na maging Pangulo ng Pilipinas.
“Kailangan na mag-one on one kaming dalawa ni Mar Roxas, para mangyari yun, kailangan mawasak nila si Grace Poe, ready to fire na ang artillery nila.” Ani Binay.
By Ralph Obina | Karambola