Kinalampag ni Senador Grace Poe ang Department Of foreign Affairs hinggil sa pagpalpak ng e-passport system o pagkuha ng pasaporte “on-line.”
Nanawagan si Poe sa DFA na agad solusyonan ang pagkaka-antala ng proseso sa pagkuha ng pasaporte dahil lubhang naka-aapekto na ito sa libu-libong aplikante.
Ayon sa Senador, hindi katanggap-tanggap na kailangang maghintay ng dalawang buwan upang kumuha ng passport.
Sa ngayon anya ay nakatatanggap siya ng mga reklamo sa kanyang tanggapan mula sa mga aplikante tulad ng matagal na paghihintay at nabibigong makatanggap ng code sa pamamagitan ng e-mail hinggil sa takdang panahon ng passport appointment.
Dahil dito ay naaantala ang pagbiyahe sa ibayong dagat ng mga pinoy na nais magtrabaho, bumisita sa pamilya at magpagamot.
By: Drew Nacino / Cely Bueno