Nabigyan ng pagkakataon si Senadora Leila De Lima na makapagmuni-muni at muling madiskubre ang tunay na sarili sa loob ng mahigit isang buwan niyang pagkakakulong.
Ito’y ayon kay De Lima ang nais niyang makita ng publiko ang tunay niyang sarili at tanggapin kung ano siya nang hindi sinasabihan o tinuturuan sa dapat niyang gawin.
Nais din ng Senadora na mangyari ang mga bagay sa natural na paraan at hindi dahil sa idinidikta lamang o ginagawang artipisyal ang kaniyang imahe.
Iginiit din ng Senadora na ayaw niya ng mga orchestrated na scenario tulad ng paghahakot ng mga tao sa rally at ayaw din niya ng rehearsal sa anumang i-aanunsyo sa publiko.
Naniniwala ang Senadora sa sinseridad at hindi pagiging ipokrito sa pagiging authentic at hindi pagiging peke.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno