Pabor ang Commission on Human Rights (CHR) sa panukalang magpapataw ng mas matinding parusa laban sa indiscriminate firing.
Ito ay matapos pumasa sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill 2501 o ang Act Penalizing Willful and Indiscriminate Discharges of Firearms
Ayon kay CHR Executive Director Jacqueline de Guia, nararapat lamang ito dahil banta sa karapatang pantao ang anumang firearm-related violence.
Aniya, malaki rin kasi ang pangangailangan ng bansa sa pagtugon sa tumataas na gun violence at iba pang bagay pagdating sa usapin ng gun ownership.
Dagdag pa ni de Guia, maituturing din na isang welcome legislative measure ang nasabing panukala gayudin ang tuloy-tuloy na firearm safety education.
Nabatid na nakapaloob sa panukala na maaaring makulong ng hanggang apat na taon at dalawang buwan ang mapapatunayang mamamaril maliban na lamang kung ito ay may kaugnayan sa isang krimen na may mataas na parusa.