Inihain na sa senado ang panukalang pagkalooban ng Filipino citizenship ang American basketball player na si JUSTIN DOnta Brownlee.
Si senator Sonny Angara, Chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang naghain ng Senate Bill 1516 kaparehong araw nang aprubahan ito ng Kamara.
Layon ng resolusyon na i-naturalize ang two-time best import awardee ng PBA na si Brownlee bilang manlalaro ng Ginebra San Miguel.
Sa February 2023 gaganapin ang ika-anim at huling window ng FIBA World Cup Asian qualifiers, kung saan makakaharap ng Pilipinas ang Lebanon at Jordan.