Pina-a-amiyendahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang Foreign Currency Deposit Unit na siyang nagbibigay proteksyon sa mga dollar account at iba pang foreign currency
Ito ang nakasaad sa isinumiteng report ng komite kaugnay sa kontrobersiyal na money laundering scandal na nagkakahalaga ng mahigit Walumpung Milyong Dolyar
Kaugnay nito, inirekumenda rin ng komite na palakasin ang anti-money law upang maharang ang anumang kahina-hinalang transaksyon partikular na sa mga casino
Pinadaragdagan din ng komite batay sa kanilang rekumendasyon ang kapangyarihan ng Anti-Money Laundering Council o AMLC tulad ng pagbibigay ng subpoena sa mga hinihinalang money launderer gayundin ang pag-freeze sa kanilang mga bank assets
Idineretso na sa archives ng Senado ang committee report hinggil sa nasabing usapin matapos itong isumite ng Blue Ribbon Committee kasabay ng pagsasara ng 16th congress nitong Lunes
By: Jaymark Dagala