Inaprubahan ng sendado ang Senate Concurrent Resolution 18, na magpapahintulot sa senado at kamara bilangin ang boto sa pagka-presidente at bise president sa nakaraang national at local elections noong Mayo a-nuwebe.
Pinagtibay ng naturang resolusyon ang pagpapahintulot na magtipon bilang National Board of Canvassers ang dalawang sangay simula bukas, Mayo 24.
Mababatid na mula sa senado ay dinala sa Batasang Pambansa Complex ang mga ballot boxes na naglalaman ng Certificates of Canvass (COCs) at Election Returns (ERS).
Samantala, ang mga ballot box ay ibiniyahe ng 11 6 by 6 military trucks laman ang 167 ballot boxes ng COCs at 441 boxes ng ERs.