Pag-aaralang mabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang report ng Senate Blue ribbon COMMITTEE at ang resulta ng ginawang hiwalay na imbestigasyon ng National Bureau of Investigation o NBI kaugnay sa kontobersyal na Dengvaxia vaccine.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dito ibabase ng Pangulo ang gagawin niyang kaukulang aksyon para sa naturang isyu.
Simula ng pumutok ang kontrobersiya sa Dengvaxia ay dumistansya si Pangulong Duterte ukol dito at inatasan na lamang ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon.
Samantala, nakasaad naman sa inilabas na report ng Senado noong nakaraang linggo na minadali ang pagbili sa 3.5 billion pesos na halaga ng Dengvaxia vaccine sa ilalim ng Aquino administration.
Nakapaloob din sa report na nagkaroon ng sabwatan sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin, at dating Budget Secretary Butch Abad para mabili ang nasabing anti-dengue vaccine.
—-