Hindi muna tinalakay sa plenaryo ng Senado ang ulat ng Senate Committee on Justice and Human Rights hinggil sa mga kaso ng extrajudicial killings sa bansa.
Ito’y ayon kay Justice Committee Chairman Senador Richard Gordon ay kahit pa tapos na nila ang nasabing ulat.
Ani Gordon, anim na committee report ang nakalinya kahapon para isponsoran sa plenaryo kaya’t hindi na naisama pa ang kanilang ulat.
Dahil dito, sa pagbabalik sesyon na lamang sa Nobyembre 7 isasagawa ni Senador Gordon ang kanyang privilege speech para sa sponsorship ng nasabing committee report.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)