Sinimulan na ng SET o Senate Electoral Tribunal ang recount ng mga balota kaugnay sa electoral protest ni Presidential Adviser at dating MMDA Chairman Francis Tolentino.
Ang protesta ni Tolentino ay para mapawalang bisa ang pagka panalo ni Senador Leila De Lima nuong May 2016 elections.
Nuong lunes pa sana sisimulan ng SET ang pagbibilang muli ng balota subalit nasuspindi ito dahil sa dalawang araw na tigil pasada ng grupong PISTON.
Kabilang sa mga lalawigang nasa protesta ni Tolentino ang mga boto sa Cebu, Bulacan, Iloilo at Nueva Ecija.
Inutusan na rin ng SET ang mga embahada ng bansa at maging mga konsulado mula sa 12 bansa na i preserve ang kani kanilang data hinggil sa Overseas Absentee Voting.
Iginigiit ni Tolentino ang malawakang dayaan sa eleksyon tulad ng pag tamper sa automated election system, pre shading ng mga balota, imposibleng 100% voter turn out at mga hindi binilang na boto.