Itinakda ni Senate Committte on Public Services Chairman Grace Poe sa Agosto 29 ang imbestigasyon sa nangyaring aberya sa NAIA o Ninoy Aquino International Aiport noong nakaraang linggo.
Kasunod ito ng isinumiteng resolusyon ni Poe na nag-aatas sa kanyang pinamumunuang komite na imbestigahan in aid of legislation ang insidente ng pag-sadsad ng eroplano ng Xiamen Airlines sa runway ng NAIA na nagdulot naman ng perwisyo sa libo-libong pasahero.
Batay sa Resolution 852 ni Poe, nakasaad na mahalagang maimbestigahan ang tila palpak na regulasyon ng aiport aviation authorities.
Dagdag ni Poe, mahalagang marepaso rin ang mga aiport oerations at management para malaman kung naibibigay ng mahusay ang serbisyo sa publiko.
Gayundin ang naging epekto ng naturang aberya sa turismo, ekonomiya at kalakalan sa bansa at maprotektahan ang interes ng mga pasahero sa bansa.