Muling gugulong ang pagdinig ng Senado kaugnay sa Benham Rise sa Miyerkules, Marso 29.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, marapat na magsagawa muli ng pagdinig upang makahanap ng executive – legislative long – term strategies upang madepensahan ang sovereign rights sa teritoryo.
Kabilang sa iimbitahan sa naturang pagdinig ay ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND).
Matatandaang naging usapin ang Benham Rise matapos na kumpirmahin ni Defense Secretary Delfin Lroenzana na may namataang Chinese ship sa naturang teritoryo na kinalaunan ay kinontra naman ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabing alam niya ang aktibidad dito ng China.
Ito na ang ikalawang hearing kaugnay sa Benham Rise kaugnay na rin sa panukalang batas ni Senador Sonny Angara na naglalayong bumuo ng tatawaging Benham Rise Development Authority.
By Rianne Briones