Umarangkada na ang pagdinig ng senado hinggil sa panukalang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para resolbahin ang problema sa trapiko.
Pinangunahan ni Senadora Grace Poe na siyang chairman ng Senate Committee on Public Services ang nasabing pagdinig.
Dumalo naman ang lahat ng opisyal ng Department of Transportation sa pangunguna ni Secretary Arthur Tugade gayundin ng mga opisyal ng Metro Manila Development Authority o MMDA sa pangunguna naman ni acting Chairman Atty. Emerson Carlos.
Bahagi ng pahayag ni Senator Grace Poe
Sa panig naman ni Senador JV Ejercito, Vice Chair ng komite, kailangang mahimay ang mga usaping nakapaloob sa panukala upang masolusyunan ang lumalalang problema na nakaaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Bahagi ng pahayag ni Senator JV Ejercito
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)