Natuloy pa rin ang pagdinig ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization sa pangunguna ng chairman nitong si Senador Antonio Trillanes.
Ito ay kahit pa binawi na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnesty ni Trillanes at ipinaaaresto ito.
Ayon kay Trillanes, ang naturang pagkilos ay paraan ng administrasyon para pigilan ang pag imbestiga laban kay Solicitor General Jose Calida at sa mga kontratang pinasok nito sa mga ahensya ng gobyerno.
Tinutukan ng imbestigasyon ang 358. 3 milyong pisong kontrata na pinasok ng security agency ni Calida sa pamahalaan.