Tiniyak ni bagong Senate Committee on Justice Chairman Richard ‘Dick’ Gordon na kanilang itutuloy ang imbestigasyon hinggil sa extrajudicial killings.
Ayon kay Gordon, magiging sentro ng kanilang pagdinig ang mga kaso ng pagpatay sa mga suspek sa operasyon ng droga na umano’y nanlaban sa mga pulis na umaresto sa kanila.
Sinabi din ni Gordon na kanila pang aalamin kung ano ang maaring gawin kay Edgar Motabato at sa kanyang mga pahayag.
Bahagi ng pahayag ni Senator Richard Gordon
Duterte’s order?
Samantala, itinanggi ni Senator Dick Gordon na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Senator Leila de Lima bilang Chairman ng Senate Committee on Justice.
Sinabi ni Gordon na maliban sa hindi nila nakaka-usap si Pangulong Duterte, hindi din kasama sa kanilang pulong si Senator Manny Pacquiao na siyang naglatag ng mosyon.
Binigyang diin ni Gordon na nagpasya ang senado na mapalitan ang chairman ng komite matapos mas uminit ang alitan sa pagitan ng Pangulong Duterte at ni De Lima.
Bahagi ng pahayag ni Senator Richard Gordon
By Katrina Valle | Karambola