Itutuloy na ng Senate Committee on Justice and Human Rights, ang imbestigasyon sa extra judicial killings sa Setyembre 15.
Ayon kay Committee Chairman Leila de Lima, kanila din na pag-aaralan kung maaring isama sa pagdinig ang probisyon sa implementing guidelines sa idineklarang state of national emergency na maaaring pagmulan ng mga pag-abuso.
Sinabi din ni de Lima na nagtataka siya kung bakit hindi isinama sa mga dahilan ng pagdedeklara ng state of national emergency ang sunod – sunod na pagpatay, bagay na una nang tinawag na bahagi ng lawless violence.
By Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)