Nababahala ang Liberal Party (LP) sa isinagawang pagdinig ng senado ukol sa marahas na dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan City.
Ayon kay Liberal Party Spokesman at Akbayan Representative Ibarra Gutierrez, posibleng magamit sa pulitika ang naturang pagdinig lalo’t ang mga humahawak na mga senador ay kandidato at kabilang sa kampanya ng mga presidentiable.
Nanguna sa naturang hearing sa Davao City si Senador Koko Pimentel na nangangampanya para kay presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Si Senador Alan Peter Cayetano naman ay tumatakbo bilang presidente sa tiket ni Duterte habang re-eleksyonista naman si Senador TG Guingona.
Binigyang diin ni Gutierrez na hindi dapat magamit ang mga magsasaka para sa politikal na interes ng mga pulitiko.
Umaasa si Gutierrez na mananaig ang katotohanan at hustisya sa Kidapawan incident.
By Ralph Obina