Nagpasya ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Sen. Ronald Bato Dela Rosa na ipagpalibang muli ang kanilang pagdinig.
Ito’y kaugnay sa nangyaring misencounter sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ng Philippine National Police (PNP) sa Commonwealth, Quezon City kamakailan.
Ayon k y Dela Rosa, hindi kasi makadadalo sa pagdinig sina PDEA Dir/Gen. Wilkins Villanueva at PNP chief P/Gen. Debold Sinas makaraang kapwa magpositibo ang mga ito sa COVID-19.
Dapat nuong Marso 2 pa sinimulan ang pagdinig subalit ipinagpaliban ito matapos hilingin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara at Senado na hayaan munang imbestigahan ng Nationa Bureau Of Investigation (NBI) ang nasabing insidente.