Umarangkada na ngayong araw ang imbestigasyon ng Senate Committee on Games and Amusement ukol sa mga kontrobersyang kinakaharap ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Emosyonal na humarap sa pagdinig si PCSO Board Member Sandra Cam at inisa isa ang aniya’y katiwaliang bumabalot sa loob ng ahensya kabilang na ang kontrobersyal at magarbong Christmas party ng PCSO na ginastusan ng mahigit 6 milyong piso.
“Bawat piso mula sa PCSO ay mahalaga sa masang Pilipino, my loyalty is to the Filipino people and to the President only, gusto kong ilahad ang mga katiwalian ng kanilang pamumuno sa PCSO, una, ang maluhong Christmas party sa gitna ng kalamidad, number 2, ano ba ang polisiya ukol sa pagbibigay ng charity fund para sa lahat, number 3, mga maanomalyang kontrata na hindi pumapabor sa gobyerno, number 4, mga STL franchisees na gambling lords ang nagpapatakbo at number 5, an update on the PCSO San Marcelino Building.” Ani Cam
Ayon kay Cam , mahigit 100 milyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan kada araw dahil sa katiwalian umano sa PCSO.
“I’m appealing to both houses of Congress that after this investigation to charge the corrupt public officilas na walang pakundangan kung lustayin ang pera ng gobyerno para sa mahihirap.” Pahayag ni Cam
Sandra Cam, miyembro ng Board of Directors ng PCSO, humaharap ngayon sa hearing ng Senate Committee on Games and Amusement re: PCSO controversy | via @blcb pic.twitter.com/FVG7saRt8U
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) January 24, 2018
—-