Tinawag ni dating US President Donald Trump na pinakamatinding witch hunt o pag-uusig na isinagawa para sa publicity sa kasaysayan ng Amerika ang Senate impeachment trial laban sa kanya.
Ito ang naging pahayag ni Trump matapos siyang mapawalang sala sa kinaharap na ikalawang impeachment trial sa loob ng isang taon.
Bagama’t 57 na US Senators ang bumoto pabor sa conviction ni Trump habang 43 ang hind hindi pa rin ito sapat upang umabot sa two thirds ng mayorya.
Pito sa mga Senador na bumoto pabor sa conviction Trump ay mga kaalyado niyang republicans.
Magugunitang, sinampahan si Trump ng kasong incitement of insurrection at ipina-impeach matapos nitong hikayatin ang kanyang mga followers na sumugod sa US capitol dahil sa paggigiit na dinaya siya sa nakaraang eleksyon.