Muling umarangkada ngayong araw ang imbestigasyon ng senado ukol sa iba’t ibang problema sa Metro Rail Transit o MRT.
Lumalabas sa pagdinig na wala pang katiyakan kung kailan muling gagana kahit man lang ang mga elevator o ang escalator sa mga istasyon ng MRT.
Inamin ni MRT General Manager Roman Buenafe, na nahihirapan sila at nagkakaroon ng problema sa procurement .
Sa ngayon aniya ay mayroong 12 escalator ang gumagana habang nasa 32 hanggang 33 elevator ang kailangang palitan lalo pa’t wala nang mabilhan ng mga piyesa nito.
By Ralph Obina | Cely Bueno (Patrol 19)