Tuluyan ng bumaba sa pwesto bilang Senate President si Senador Koko Pimentel at ipinasa ang liderato kay Senate Majority Floor Leader Tito Sotto.
Ito ang inihayag ni Pimentel sa kanyang press conference kaninang tanghali ilang araw matapos lumagda ang 14 na miyembro ng majority bloc sa isang resolusyon na naghahalal kay Sotto.
Aminado naman si Pimentel na bagaman wala pang timetable sa opisyal na pagpapalit ng liderato, maaari pa rin anya itong maganap anumang araw.
Outgoing Sen. Pres. Pimentel wala ng maipapayo kay Incoming Sen. President Tito Sotto
Nilinaw ni outgoing Senate President Koko Pimentel na walang impluwensya ng Malakanyang sa pagpapalita ng liderato sa Senado.
Ayon kay Pimentel, kanya-kanyang istilo ng pamumuno ang mga Pangulo ng Senado at kung mayroong Senador na hindi nagustuhan ang kanyang liderato ay maiging napagtiyagaan ito ng kanyang mga kasama sa loob ng halos dalawang taon.
Ipinagmalaki rin ni Pimentel na noong panahon niya ay naging mataas na marka ng Senado sa mga nakalipas na survey habang ipinauubaya na niya sa publiko ang paghuhusga sa kanyang naging liderato.
Ngayon anyang hindi na siya Senate President ay maaari na niyang ituon ang kanyang sarili sa legislative work.
Incoming Sen. President Tito Sotto kabisado na ang lahat ng pamamalakad sa Senado
Halos napagdaanan na lahat at kabisado na ni incoming Senate President Tito Sotto ang pamamalakad sa Senado kaya’t wala ng maipapayo si outgoing Senate President Koko Pimentel sa kanyang kasamahan.
Ayon kay Pimentel, ang tangi niyang mensahe kay Sotto ay “magpakatotoo.”
Kalmado at wala namang pinakitang kalungkutan si Pimentel sa pagharap sa media at pag-aanunsyo na bababa na siya sa puwesto at siya mismo ang mag-no-nominate Senate Majority Leader Sotto sa pagka-Senate President sa sesyon ngayong hapon.
Samantala, hindi itinuturing ni Pimentel na pagtraydor sa kanya ang nangyari dahil isa anyang halimbawa ng maayos at kahandaan na pagpapalit ng senate leadership ang mangyayari.