Sisimulan na bukas ang marathon hearing ng Senado sa pambansang budget sa susunod na taon.
Nangangahulugang itong isasagawa ang budget hearing sa umaga at hapon hanggang sa Biyernes.
Target ng senado na sa huling linggo ng buwan ay maaprubahan ang 2017 budget para sa unang linggo ng December ay masimulan na ang bicameral conference committee hearing at tuluyan itong malagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte bago matapos ang taong ito.
Binigyang diin ni Finance Committee Chair Loren Legarda na makakaasa ang sambayanan na nakapaloob sa 2017 budget ang tunay na tulong at serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon gayundin ang pagpapahusay sa sektor ng agrikultura sa bansa.
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)