Inirekomenda ng Senate Finance Committee sa Senado ang pagtanggal ng kontrobersyal na Ayuda sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) mula sa Office of the Secretary’s Budget sa Department of Social Welfare and Development sa panukalang 2025 General Appropriations Bill.
Nakasaad ang rekomendasyon sa isa sa mga annexes sa Committee Report na isinumite ng panel sa plenary session ng Senado na sumasaklaw sa House Bill 10800, na siyang bersyon ng Kamara ng proposed budget para sa susunod na taon.
Kontrobersyal ang AKAP sa 2024 budget deliberations dahil isa itong adjustment na ginawa sa huling minuto ng bicameral conference committee sa halip na harapin ng buong Senado.