Inihahanda na ang Senate Plenary Session para sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Gayunman, nanindigan si Senate President Francis Escudero na hindi ito mangyayari habang naka-break ang Kongreso.
Ayon kay Senate President Escudero, tiyak na magkakaroon ng impeachment trial dahil naipasa na ang impeachment complaints at hindi nila inaaksaya ang panahon kundi pinaghahandaan nila ito.
Kabilang aniya sa mga paghahanda ang pag-i-inspeksyon sa mga lamesa at witness stand kung inanay na, at pagka-canvass ng robe na gagamitin ng mga Senador sa paglilitis.
Sa kabila nito, muling iginiit ng Lider ng Senado na hangga’t walang sesyon, walang trial na magaganap dahil maliwanag ang kanilang panuntunan kaugnay dito. – Sa panulat ni Laica Cuevas mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)