Makabubuting simulan nang basahin ng mga Senador ang mga nilalaman ng Saligang Batas para mapag-isipan nila ang mga probisyong nangangailangan ng pag-amyenda.
Ito ang payo ni Senate President Koko Pimentel sa kanyang mga kasamahan.
Sinabi ni Pimentel na mabilis lang ang pag-convert sa Senado bilang constituent assembly dahil majority vote lang ang kailangan para maaprubahan ang resolusyon.
Paliwanag pa ng Senate President, inherent power ang Senado kaya hindi na, aniya, kailangang isailalim sa committee hearing ang resolution na naglalayong iconvert ang Senado sa constituent assembly.
Bagaman may isinumiteng resolusyon si Senate President pro tempore Franklin Drilon na nagsusulong ng constitutional convention bilang paraan ng pag-amyenda sa saligang batas, tila constituent assembly ang napupusuan ng senado bilang paraan para sa charter change makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpabor dito dahil mas mabilis at hindi magastos.
By: Avee Devierte / ( Reporter No. 19 ) Cely Bueno