Inamin ng liderato ng senado na umiinom ito ng anti-parasitic drug na Ivermectin bilang pangontra COVID-19.
Ito’y ayon kay Senate President Vicente Sotto III sa panayam sa DWIZ, iniinom aniya ang gamot para maiwasan ang pagdapo ng virus.
Dagdag pa ni Sotto, iniinom niya ang naturang gamot dahil may ilan siyang mga kakilala na dinapuan ng COVID-19 na bumuti ang kondisyon matapos na uminom ng naturang gamot.
Kasunod nito, dahil sa kakulangan sa suplay ng bakuna sa bansa, nanawagan si Sotto sa pamahalaan na pagtuunan ang prevention o pamamaraan para maiwasan ang pagdapo ng COVID-19.
Giit ng opisyal, ito na marahil ang pinakamahalagang hakbang para matiyak na magagawa para tuluyan nang mawakasan ang problemang hatid ng pandemya.
Ako umiinom ako (ng ivermectin), as prevention… Ang prevention ang pinakamahalaga. Pangalawa, yung rehabilitation. Tapos ikukumbinasyon mo yung enforcement, at saka yung prosecution,” ani Sotto.