Dinepensahan ni Senate President Franklin Drilon ang mga ginawang amyenda sa panukalang Bangsamoro Basic Law.
Sa harap na rin ito ng mga puna na tila malayo ang inaprubahan nilang panukala sa nais ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.
Ayon kay Drilon, kinakailangan ang mga pag-amyenda upang matiyak na sumusunod ito sa itinatakda ng kasalukuyang Saligang Batas ng Pilipinas.
Partikular na rito aniya ang pagtitiyak na nasa ilalim pa rin ng kapangyarihan ng National Police Commission o NAPOLCOM ang pulis na itatalaga sa lilikhaing Bangsamoro Region.
Sinabi pa ni Drilon na kanilang sisikapin na maipasa sa lalong madaling panahon ang BBL na isasalang na sa period of interpellation sa susunod na linggo.
By Jaymark Dagala | Cely Bueno (Patrol 19)