Hindi problema kay Senate President Koko Pimentel sakaling makasama niya ang dating Pangulong Gloria Arroyo sa senatorial ticket ng PDP-Laban sa 2019 elections.
Gayunman pinayuhan ni Pimentel si Arroyo na dapat itong magbago at yakapin ang mga prinsipyong isinusulong ng PDP-Laban tulad nang paniniwala sa Diyos, human dignity, pagmamahal sa bayan, pantay na oportunidad para sa lahat, consultative and participatory democracy at federalism.
Si Arroyo ay nanumpa na sa PDP-Laban kamakailan lamang mula sa Lakas-CMD.
Magugunitang ang dating Pangulo ay naakusahan nang pananabotahe sa resulta ng 2007 elections kung saan tumakbong senador si Pimentel at natalo.
Si Pimentel ay naka ika-13 puwesto at si Senador Juan Miguel Zubiri ang nasa ika-12 puwesto.
Naghain ng protesta si Pimentel sa paniwalang nadaya siya at noong August 2011 ay nagbitiw si Zubiri at pumalit si Pimentel.
—-