Nanindigan si Senate President Juan Miguel Zubiri, hinggil sa naunang pahayag ni Chinese Ambassador Huang Xilian na nasa blacklist ang pilipinas bilang tourist destination ng China.
Sa naging pahayag ni Zubiri, sinabi umano ni Xilian sa kanilang naging pagpupulong na kabilang ang pilipinas sa mga bansang hindi maaaring puntahan ng mga turistang Chinese dahil sa isyu ng philippine offshore gaming operators o pogo.
Nabatid na ikinagulat ni Zubiri, ang pagtawag ng chinese ambassador na “misinformation” ang kaniyang naunang pahayag kahit marami ang nakarinig sa maling paggamit nito ng “blacklisting.”
Ayon kay Zubiri, mayroong transcript sa kanilang ginawang pagpupulong noong Lunes kaya dapat itong linawin ni Xilian.
Sinabi pa ni Zubiri na ilang beses na binanggit ni Xilian ang salitang “blacklisting” kaya kaniyang paninindigan ang kaniyang unang naging pahayag.
Iginiit din ng Senate chief na hindi siya gagawa ng kwento dahil malinaw ang kaniyang mga narinig at posibleng nagkamali lang ang ambassador ng China, sa nais nitong sabihin at ipahatid, dahilan kaya nabigyan sila ng maling impormasyon.