Lalarga na ngayong araw ang imbestigasyon ng senado hinggil sa usapin ng pekeng bigas na natagpuan sa Davao City.
Ayon kay Senadora Cynthia Villar, ilan sa kanilang mga inimbitahan at inaasahang dadalo sa pagdinig sina Food and Agriculutre Secretary Francis Pangilinan, NFA Administrator Renan Dalisay, Customs Commissioner Bert Lina at DOST Asst. Sec. Raymund Liboro.
Layunin ng pagdinig ayon sa senadora ay upang malaman ang mga peligrong dulot sa kalusugan ng tao sa pagkain ng pekeng bigas.
Dito rin inaasahang ilalahad ang resulta ng ginawang pagsusuri ng mga otoridad sa nakuhang sample ng bigas sa Davao City.
Dagdag pa ng senadora, nais din niyang talakayin sa pagdinig ang kaibahan ng peke sa synthetic na bigas na inilalarga naman ng International Rice Research Institute.
By Jaymark Dagala