Gumulong na ang imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte sa kaiyang selda sa Leyte Sub Provincial Jail sa Baybay City.
Ayon kay Committee Chairman Panfilo Lacson, walang sense ang bersyon ng Philippine National Police (PNP) na nasawi sa shootout si Espinosa.
Naniniwala si Lacson na hindi magtatangka si Espinosa na lumaban sa mga awtoridad lalo na’t nakakulong na ito bukod pa sa sumuko ito at handang makipagtulungan sa gobyerno at nais pa niyang maging state witness.
Sinabi ni Lacson na ang pagpatay kay Espinosa ay hindi simpleng kaso lamang nang panlalaban o pagpatay.
Nakaapekto na aniya sa probative value nang pagkamatay ni Espinosa ang testimonya niya sa mga sangkot sa illegal drug trade na kinabibilangan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.
Bahagi ng pahayag ni Senator Panfilo Lacson
“Secure Kerwin”
Maraming personalidad ang interesado kay Kerwin Espinosa, ang umano’y bigtime drug lord sa eastern Visayas.
Ito ayon kay Senate Committee on Public Order and Illegal Drugs Chair Panfilo Lacson ay kayat dapat mabuhay si Kerwin sa pagbalik nito sa bansa.
Sinabi ni Lacson sa imbestigasyon ng komite sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte na dapat mabigyan ng pagkakataon ang anak nitong si Kerwin na ilatag din ang kanyang bersyon sa umano’y illegal drug trade sa kanilang lugar.
Bahagi ng pahayag ni Senator Panfilo Lacson
CIDG
Samantala, tila nangapa sa dilim si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Chief Supt. Roel Obusan sa operasyon ng mga tauhan nito sa Region 8 kung saan nasawi sa mismong selda niya si Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order, sinabi ni Obusan na wala siyang alam sa naturang operasyon sa selda ni Espinosa at ipinaabot na lamang sa kanya ang pagkamatay nito nang tawagan niya ang hepe nila sa Region 8.
Dahil dito, inihayag ni Obusan na kaagad niyang tinawagan si PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa para ipaalam ang insidente at kaagad hiniling na maimbestigahan ito.
Binigyang diin ni Obusan na dapat pananagutin niya ang kanyang mga tauhan kung nagkasala ang mga ito.
Bahagi ng pahayag ni CIDG Director Chief Supt. Roel Obusan
Gunpowder residue
Nag-positibo umano sa gun powder residue ang nasawing si Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte.
Ito ang ipinabatid ni PNP CIDG Director Chief Supt. Roel Obusan sa kanyang presentasyon sa pagdinig ng Senado hinggil sa pagkamatay ni Espinosa.
Sinabi ni Obusan na may narekober na super 38 caliber na baril sa selda ni Espinosa at caliber 45 sa selda naman ni Raul Yap na nag positibo rin sa paraffin test.
Bahagi ng pahayag ni CIDG Director Chief Supt. Roel Obusan
By Judith Larino | Cely Bueno (Patrol 19)
Photo Credit: @pinglacsonofcl / Twitter