Ipagpapatuloy ng Senate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa pagbili ng Department of National Defense (DND) ng segunda manong UH-1 helicopters.
Gagawin ang pagdinig sa Hulyo 7 kung saan muling magbibigay ng kaniyang testimonya ang whistleblower na si Rhodora Alvarez hinggil sa P1.25 bilyong kontrata.
Nauna nang dininig noong Hunyo 9 sa Blue Ribbon ang testimonya ni Alvarez na isang kawani ng pamahalaan at dating konektado sa US-based Rice Aircraft Services.
Matatandaan na inakusahan ni Alvarez ang mga opisyal ng DND at Philippine Air Force (PAF) ng pagsasabwatan.
Sinabi ni Alvarez na binali ng DND at PAF ang rules on procurement para paboran ang Rice Aircraft Services.
Nangako rin si Alvarez na magbibigay pa siya ng mga impormasyon para patunayan ang kaniyang mga ibinunyag.
By Mariboy Ysibido