Ayaw makialam ng Malakaniyang sa Senate Resolution na humihiling sa Korte Suprema na pag aralan muli ang desisyon sa Quo Warranto Petition na nagpatalsik kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque ay dahil ang usapin ay sa pagitan lamang ng lehislatura at hudikatura.
Bahala na aniya ang Senado at Korte Suprema na mag usap kung paano reresolbahin ang apela ng labing apat na Senador sa kaso ni Sereno.
Magugunitang naglabas ng resolusyon ang Senado na pirmado ng 14 na Senador na naggigiit sa tanging trabaho ng Senado bilang impeachment court na maglitis sa mga impeachable officials tulad ng punong mahistrado.